About Me

OFW Entrepreneur

Here’s what OFW entrepreneur all about

Hi, what’s up? My name is Manuel (Manny) Alambra, the owner of www.mannyalambraofwentrep.com

  • “Why OFW entrepreneur?”
  • “How can you be an OFW entrepreneur?
  • “How to have your own business while working abroad?”
  • “Why do we need to have our own business?”

…if you are an OFW like me at naghahanap o nag-iisip pa ng iba pang source of income o kaya naman ay iba pang dagdag na pagkakakitaan while working abroad.

…if you’re thinking of o binabagabag ang iyong kaisipan ng matinding pagnanais para maranasan ang financial freedom at magkaroon pa ng extra time para sa pamilya.

…if right now pagkatanggap mo ng sweldo wala na agad dahil ipinadala na sa pamilya sa Pinas at naghahangad ka ng kahit konting maiipon.

…if you’re planning for your retirement na kahit wala ka na sa ibang bansa pero may income pa rin.

THEN, You’re in the RIGHT path!

Here’s How OFW Entrepreneur

Helps You Get Ahead In Life and Work.

As an OFW entrepreneur, ibabahagi ko ang mga personal kong karanasan, mga istratihiya o ibat ibang techniques kung paano kikita ng pera mula sa ating mga bakanteng oras bilang mga OFWs. Narito ako para gabayan ka step by step.

Naniniwala ako bilang isa ring OFW na lahat tayo ay may pagnanais o pangarap na magkaroon ng sarili nating negosyo. Sino bang hindi? Wala di ba? Na kung sakali at magretiro tayo ay meron pa rin tayong mapagkukunan ng kita kahit wala na tayo sa ibang bansa.

Marami sa atin. Hindi lang iilan ang umuwi sa Pinas pagkaraan ng maraming taon na pagpapawis sa ibang bansa na parang wala. Balik sa dating buhay. Walang trabaho dahil matanda na. Walang naipon…

Anong dapat gawin? Instead of researching o magbasa pa ng ibat ibang libro o aklat sa pagpapayaman, narito na at tutulungan ko kayo sa mas pinadaling paraan kung paano makalaya sa tali ng kahirapan upang Makita ang liwanag ng tagumpay.

Napakadali ng dapat gawin.

…SUBSCRIBE to OFW entrepreneur! YON LANG!!! Upang malaman mo ang mga paraan kung paano magsimula ng sariling negosyo at kung anong negosyo ang nababagay sayo. Ibibigay ko rin sayo ang ibat ibang pamamaraang aking natutunan mula sa mga the best-selling authors na sina: Robert Kiyosaki, Brain Tracy, Joe Vitale, Bob Burg, Eric Wore, John Milton Fogg, Napoleon Hill and many more…

About Me

Obviously, isa akong OFW (Overseas Filipino Worker), Entrepreneur at author ng Maging Utak Negosyante, Ang Utak Negosyante Gabay 101 sa Tagumpay  at ang Gabay Paano Mag-start ng Restaurant Business eBooks.  I’m 44 years old. Naging hobbies ko dito sa disyerto ang pagbabasa ng mga libro mula sa mga mahuhusay na author. Naging hobbies ko din ang driving sa malawak na kalsada ng Saudi Arabia.

about me pic

My Story

I’ve been working here in the Kingdom of Saudi Arabia for almost 19 years. Dito na nga naubos ang kabataan ko at dito rin nasira ang pamilya ko, (nagkahiwalay kami ng first wife ko). Ganoon pa man, sinikap kung maging matatag at mabuting ama sa dalawang anak ko (anak sa first wife ko). Hangang sa nagkaroon uli ako ng bagong partner. Partner na sa hangang ngayon ay syang aking inspirasyon sa lahat ng ginagawa ko sa buhay.

Sa haba ng pahanong pag-aabroad ko, naging observer ako, mapagmasid sa buhay ng mga kapwa ko ofw. Para sa akin dapat talagang tawagin kami o tayong mga bayani pero hindi yung bayaning binabaril sa luneta. Bayani kami/tayo sa kadahilanang tinitiis namin/natin ang lahat ng hirap para lang sa pamilyang naiwan sa Pilipinas. Nakakalungkot man or nakakaawang tingnan ang mga kapwa ko OFW na nagtatrabaho pa rin sa kabila ng kanilang katandaan. Ang kanilang dahilan ay ang pamilyang nasa Pilipinas, pamilyang patuloy pa ring umaasa sa kanila, minsan kasama na ang mga anak na may sarili na ring pamilya. Mga kadahilanan kaya natatakot silang tumigil sa trabaho at umuwi.

Maraming aspeto akong nakita na ayaw kung tularan o mangyari sa akin. Halimbawa yong mga takot umuwi ng Pilipinas dahil wala na silang mapapasukan pang kompanya, dahil dito sa Pilipinas pag matanda na wala ng tatanggap sayo. Takot mawawalan ng source of income dahil nga sa trabaho lang sa ibang bansa umaasa. At takot bumalik sa dating pamumuhay na sa kakarampot na pasweldo dito sa Pinas ang inaasahan.

May mga ibang OFW na naglakas loob umuwi na pero madalas ang pangyayari ay nagbebenta ng mga naipundar na mga ari-arian para suportahan ang pang ara -araw na pangangailangan. Ang iba namang OFW’y umuuwing may mga karamdaman at halos lahat ng naipon nauuwi lang sa pangpapagamot. Yung iba nama’y mga mangungutang bago umuwi o kaya nama’y pagkabalik galing bakasyon. Nangungutang para pang gastos sa pamilyang nasa Pilipinas. Yung iba pa nga kinakapalan na lang ang mukha at nagtatago na lang sa mga pinagkakautangan, walang katapusang bayad utang.

Mula sa aking malikot na kaisipan at sa pagiging mapagmasid, naghanap ako ng sagot at sulusyon para hindi ako matulad sa karamihang OFW na nakita kung mali ang ginagawa o maaaring masabi ko na hindi alam ang gagawin kung paano matutulungan ang kanilang mga sarili para mapaunlad.

Nagsimula akong magplano, mangarap at mag set up ng goals para sa pamilya ko. Goals na hindi ko lang basta inisip higit sa lahat pinagsumikapan ko. Naghanap ako ng mga extrang pagkakakitaan gamit lang ang internet.

INTERNET. Oo, internet lang ang simula dahil ngayon lahat nasa internet na. Sabi nga, “pag hindi mo alam, i-google mo.

Nagagawa kung kumita gamit ang internet. Yong kita para sa dagdag income. At dahil nadadagdagan ako ng income nagkakaroon ako ng extra para maisakatuparan ang mga plano ko, ang planong pagkakaroon ng sariling negosyo.

Negosyong maasahan ko kung sakaling umuwi na ako, yung tipong ano mang oras na mawalan ako ng trabaho ay hindi ako matatakot umuwi, dahil may negosyong susuporta sa pangangailangan ng pamilya ko.

Kung dati kabilang ako sa mga ofw na mali ang ginagawa sa pananalapi, kung dati isa rin ako sa natatakot mawalan ng trabaho at umuwi ng Pilipinas. Sa ngayon, wala na akong kakaba kaba, dahil I earned double mula sa mga extra income ko gamit lang ang internet. Oo, internet, the power of internet.

At dahil internet ang puhunan ko, ito rin ang gagamitin ko para matulungan kayo. Oo, kayo na nagdesisyon na sumama sa akin para mabago ang ating buhay bilang mga OFWs.

Kung nabasa mo ang life story ko, believe ako syo! Dahil alam ko katulad kita, may pagnanais mabago ang buhay, gusto ring mai-angat aang buhay sa kahirapan.

At dahil magkaisa tayo sa pagasenso, sa pangarap, sa pagbangon sa buhay…

At upang malaman mo pa ang mga pamamaraan upang abutin ang tagumpay, ang mga pangarap sa buhay…

Tuturuan kita at gagabayan sa pagasenso, just enter your email below and click “Sign Me Up!”